Monday, October 22, 2007
11:58 AM
--*events. events.
wooot. kakatapos lang ng dlsu-cet ko. nakakadepress! dinesign talaga yung test para hindi matapos ng normal na tao. eh hindi ako normal kaya natapos ko. haha. magaling kasi ako e. magaling manghula!! banat nanaman. haha. masasabi ko lang mas mahirap ang dlsu-cet compared sa acet. pero hindi ko alam kung mas mahirap upcat sa dlsu-cet. hmm cguro mas mahirap pa rin upcat. ang nagpahirap kasi sa dlsu-cet eh yung time. super time pressured. isipin mo naman 7o items in 35 minutes. eh siyempre kung magcocompute ka, 3o seconds per item. eh siyempre may mga items sa latter part na hindi lang 3o seconds ang kailangan. haiii. ejo nakakapeste. wala lang. hmm pero ginawa ko na lang ulit yung technique ko. hehe. alam ni itay yun e. :D nawindang pa ako sa essay. expected ko naman na English and Filipino yung essay. hindi ko lang ineexpect yung topic. eh siyempre pinaikot-ikot ko na lang para masaya. pero nakakaasar pa rin kasi 15 minutes lang ang allotted time per essay. paano ka naman makakapag-isip ng matino nun. nakakabaliw.
-->currently listening to All You Will Never Know by Avril Lavigne
haiii. sumasakit nanaman tuloy ulo ko. hmm habang papunta ako ng dlsu, nakikinig kasi sila mama ng balita sa radio. ininterview yung nanay nung isang victim sa glorietta 2 explosion. kanina ata or kahapon naretrieve yung corpse nung anak niya. girl yung anak niya, 23 years old, and panganay sa magkakapatid. naglunch lang yung girl tapos paalis na ng mall when the explosion happened. kasama niya yung mga friends / officemates niya when it happened. nung Friday pa daw natagpuan yung dalawang friends nung girl. siyempre corpse ndn sila. haiii. super nakakaawa yung mga families ng namatayan. nakakaawa rin yung may-ari ng Ayala kasi it’s not their fault naman e. pero sila pa yung sasagot sa gastusin ng lahat ng nadamay. maski yung minor injuries, Ayala ang sumagot ng pang-ospital nila. hmm i dunno who gave these basta narinig ko rin sa balita kanina na binigyan ng tag-php1oooo yung mga namatayan and php5ooo sa nasugatan.
-->currently listening to Sen No Yoru Wo Koete by Aqua Timez
propphi. yang pinapakinggan ko ngayong OST sa bleach movie: memories of nobody. panuorin mu! ang ganda. super. ang inaabangan ko ngayon yung bleach movie 2. diamond dust rebellion. si toushiro at siyempre, ichigo. watata. hindi na rin pala filler episodes yung bleach. ganda na ng nangyayari sa manga ng bleach at naruto.
feel kong habaan ang posts ko. haiii. boring kasi e. bwisit na internet. sira!! haiii. siguro nagtataka kayo paano ako nagkapost eh sira nga i-net namin. nasa MS word ako ngayon e. hehe. tapos pag umayos na yung i-net connection, tsaka ko ipopost. smart thinking nu? haha. joke. feeler nanaman ako. :D
-->currently listening to Over You by Daughtry
eto ngayon ang peyborit song ko. super LSS ako dito. ewan ko kung bakit. siguro nakakarelate ako. tapos ang ganda pa ng pagkakakanta at yung melody, rhythm, pitch, timbre, harmony at lahat na ng elements ng music. hehe.
ay kanina pala nung dlsu-cet kasama ko si huggy [carla]!! hehe. ankulet nga e. kasi nung paandar na yung pila at talagang naka-set na ang utak kong loner nanaman ako sa exam, bigla kong nakita si huggy nagmamadali pumila sa isang line. siyempre tinawag ko at pinapunta ko sa line naming. :D coooool! hehe. magkatabi kami ng room. ako kasi 313, siya 314. pareho pa kami seat number, 39. astig. hehe. ayun tapos hinintay pa ako ni huggy matapos. 1o minutes ata siyang naghihintay. T____T thanks talaga hugs! ;) swerte nga e kasi pagdating naming sa gate, andun na agad mga sundo namin. weee. cute. :)
-->currently listening to Nocturne in G minor by Frederic Chopin
ang kulet nung sinend na kowt sakin ni chippy. May kinalaman sa isang sikat na tao. share ko sa inyo.
read this. nakakaamaze ang nakapag-isip nito.
13 days after pacquiao’s victory against eric morales, naganap ang wowowee stampede.
13 days after pacquiao’s victory against larios, mayon volcano erupted. many died in mudflow.
tapos ngayon eto nanaman.
13 days after pacquiao's victory against barrera, 11 katao ang confirmed na patay sa pagsabog ng glorietta 2.
-si pacquiao ang sumpa!
-sino magsasabing coincidence lang toh? eh thrice na nangyari. anong kamalasan ang dala ni pacquiao?
o dbuh. tawagin na lang natin ang quote na yan sa title na “13 days”. hehe.
-->currently listening to I Gotta Go My Own Way by Nikki Gil and Vanessa Hudgens
magkahiwalay yan ha. originally kinanta ni vanessa hudgens. tapos bonus track sa HSM 2 yung kei nikki gil. yehey. FILIPINO POWER nanaman! haiii. naaadik din ako sa kantang toh tulad nung sa “Over You”. eto talaga, nakakarelate ako. hehe.
waaaaah. hindi na ako nakapagtype. masyadong nalibang ako sa pagkakakanta. hehehe. “we might find a place in this world someday. but at least for now I gotta go my own way”
haiii. anganda talaga nung kanta. (*_*)
aba eh lagpas one page na pala ang aking entry. cool. Verdana 8 pa font ko. :D
-->currently listening to Sober by Kelly Clarkson
nirereplenish ko ang playlist ko ngayon. hehe. kailangan niyo ba ng mga kanta?? tanong na kayo sakin. hehe. may iba oldies pero di naman super oldies. pero maganda yung kanta. swear! :)
haiii. kelangan ko na magout. babush! TTFN.
Labels: opinionated., quotes., so-the-drama.