Sunday, September 14, 2008
5:27 PM
--*PAGPIPINTA.
xare q lang ung tula na gawa ni john carlo florencio. :)
Pagpipinta
Ngayo’y natapos na ako sa pagpipinta,
Magulo ngunit makulay ang pigura.
Kahit napapagod, tuloy pa rin ako,
Hanggang sa makita, larawan na bago.
Kasama’y mga tatlo kong kaeskwela,
Na magaling din sa sining ng pagpinta.
Ang gamit namin ay pinturang makulay,
Sa blankong puti ay nagbibigay-buhay.
Tuyo na sa wakas ang tinuring obra!
Ang pagod ay pawi, tingnan lang ang gawa.
Ngunit dahil sa galak, may nalimutan.
Puro patak pala, damit at katawan.
Kahit man umiwas at dumi’y ilagan,
Tila imposibleng hindi mamantsahan.
Ang pinturang ito, kay hirap burahin,
Walang magagawa dahil kakalat din.
Pagpinta’y pagkakaibigan ang tulad,
Dapat ay may sining ng pagpapatawad,
Upang mga kulay, maghalong lubusan,
At magbigay buhay sa puting samahan.
Ngunit pakatandaan na sa pagpinta,
Imposible, marahil, ang wala kang mantsa.
Kaya kung tanggap mo nang madudumhan ka,
Aba! Ika’y magpinta, magpinta ka pa!
Ngayo’y natapos na ako sa pagpipinta,
Magulo ngunit makulay ang pigura.
Kahit napapagod, tuloy pa rin ako,
Hanggang sa makita, larawan na bago.
Kasama’y mga tatlo kong kaeskwela,
Na magaling din sa sining ng pagpinta.
Ang gamit namin ay pinturang makulay,
Sa blankong puti ay nagbibigay-buhay.
Tuyo na sa wakas ang tinuring obra!
Ang pagod ay pawi, tingnan lang ang gawa.
Ngunit dahil sa galak, may nalimutan.
Puro patak pala, damit at katawan.
Kahit man umiwas at dumi’y ilagan,
Tila imposibleng hindi mamantsahan.
Ang pinturang ito, kay hirap burahin,
Walang magagawa dahil kakalat din.
Pagpinta’y pagkakaibigan ang tulad,
Dapat ay may sining ng pagpapatawad,
Upang mga kulay, maghalong lubusan,
At magbigay buhay sa puting samahan.
Ngunit pakatandaan na sa pagpinta,
Imposible, marahil, ang wala kang mantsa.
Kaya kung tanggap mo nang madudumhan ka,
Aba! Ika’y magpinta, magpinta ka pa!