Thursday, December 11, 2008
8:39 PM
**Well, ang highlight lang naman ng araw na toh ay ang pagsit-in namin ni Kyle at JP sa EEE11 ni Rommel. Nakachika ko pa si Nigel since close pala sila ni Itay. :))
**So ang alam ko lang sa subject na yun e programming. Kung baga counterpart ng CS11. Very active kami ni Kyle. Nakakaloko din ung upuan namin dahil onting movement lang e gumagalaw rin yung upuan. Laging naiipit ni Kyle ang buhok ko. Hmph. Diniscuss ni prof e about sa mga loops -- while, do-while, at for. Nakakarelate naman ako pero nakakaloka yung mga examples kasi medyo complicated. Ang pinakahindi ko makakalimutan na part dun ay ang recursion. Isang slide lang. O_o Samantalang samin e ilang slides un pati ung ME ilang meetings din. Nakakaloka talaga. 4-6pm ang class pala na yun so expected ko ng wala na si haring araw pagtapos ng klase na yun. mga 6:1o na nagdismiss si prof at gusto pa niyang magpaquiz. Buti na lang naawa siya sa mga students niya.
**Maganda pala ang UPD pag gabi. At may nagjjogging pa pala nang oras na yun. :p Ililibre dapat ako nila Kyle ng pagkain dahil ang last kain ko nun ay 1o am pa. E nagmamadali raw ako kaya di na nila ako pinakain. T_T Kaya nagmatakaw ako pag-uwi. LOL.
**At siyempre dahil nakiepal lang kami sa klase nila Itay at Nigel, nagpakavain kami. :)) Galing namin. :))






Labels: school stuffs.